|
Post by Mandaluyong High School Alumni on Oct 29, 2007 0:28:20 GMT -5
Any write up, ideas, views, comments, pictures, videos and slides for our site. for non-authors please post you e-mails to contribute. thanks!
|
|
|
Post by Gino on Mar 13, 2008 2:19:31 GMT -5
Hi anybody from Batch 84? Gener here from batch 85.ask ko lang if u have contact info of rica sarmiento and mervee fernando? tnx
|
|
|
Post by Moises nayve Jr on May 12, 2009 8:34:00 GMT -5
GANITO KAMI NOON….GANITO NA KAMI NGAYON
Isang pagbabalik tanaw ni …
Sadya nga pong napakabilis ng panahon. Parang kailan lang, ngayon 2009 na pala. Napakabilis ng mga pangyayari, andami ng nagbago. Ang mga dating payat, tumaba na; ang mga pandak ngayon tumangkad na; ang ibang longhair noon, ngayon kalbo na; at ang iba, lalong gumanda at sumeksi pa; at syempre LAHAT ASENSO NA....parang kailan lang di po ba? Ang sarap balikan…
CIRCA 1980s, habang suot ang baston na pantalon at sumasabay sa tugtog ng soundtrack ng “Bagets”, abala tayong nangongopya ng mga notebook, gumagawa ng projects, nakikipagtaguan sa mga teachers at kay Mang Ben, ang masungit na school guard; nag iinuman sa headquarters ng Boy Scout sa likod ng stage, at kung ano ano pa. Sino ang makakalimot sa mga walang katapusang debate nila Apolinar Landingin at Edgar Lacanlale, ang mga sigaw at utos ng Corps Cmdr na si Noel Macki, ang mga lihim na sulyap ni Alenjandro Cabrera kay Jessica Cunanan, ang mga escapedes ni Arthur Ocampo, David Quinto at Rodel Butac sa mag chicks ng MHS…ang mga ayaw mamigay ng one forth, ayaw mag pahiram ng SINAG at ayaw mag pa kopya ng notebook….di ba parang kailan lang?
Taong 1980 ng una tayong tumapak sa paaralang tinawag nating BAYAN. mga government scholars na naturingan (kasi libre tuition fee sa MHS), Tandang tanda pa natin- mga classroom na sira-sira, bintanang butas butas, salaming basag basag, at mga upuang kulang kulang….pag late ka, sa sahig ka uupo. Pero sa mga classroom na ito pinanday ang ating mga kaisipan. Sa ilalim ng puno ng acacia, sa corridor, sa hagdan, sa sa kung saan may bakanteng lugar, buong tyaga tayong tinuruan ng ating mga teachers... kahit kapos sa facilities...naging masaya at makulay ang ating buhay sa MHS.
Sa likod ng mga sirang upuan at mga basag na bintana, at sa mga mapanuring mata ng ating mga teachers; may istrikto, may mabait, may masunget, may pandak, may mataba, may seksi… mayroong siksik, …tayo ay natuto at lahat sila ay na naging bahagi ng pundasyon kung nasaan man tayo naroon ngayon.
Malilimutan ba natin ng batukan ni Jovito Claudio si Mr Homer Vargas habang tuwang tuwang nag ku- kwento kung gaano kaganda si Janice de Belen?, ang mga kwentong barbero ni Mr Ernesto Albea, ang mga outdoor activities ng CAT ni Ms Miguel, ang Presscon ng mga school journalists ni Mrs Diaz at Mrs Salvo, ang “Field Day”, ang scouting, at marami pang iba pa.
April 1984, lahat ay masaya, suot ang kanilang pinaka magandang uniform, lahat ay excited na nag martsa as ilalim ng init ng araw….tinanggap ang munting papel. Graduation daw ang tawag dun. Kanya-kanyang lakad, lahat hinanap ang sariling kapalaran…mga walang katapusang lakwatsa, tawanan, kwentuhan. Pag absent ka, pulutan ka… AT LUMIPAS ANG PANAHON....
2009 na pala. An dami nang nagbago, ang dating mga classrooms na sira sira, ngayon, magagara na. Wala na ang mga bintanang basag basag dahil ngayon aircon na. Ang dating palenke ng Kalentong, ngayon Market Place na, di ko lang alam kung andun pa ang AMOR CINEMA, may MRT na din sa EDSA, si Bennet Laja, di na naglalakad galing sa school dahil ngayon may Honda city na. si Edgar Soto, big time na. Lahat tayo SUCCESSFUL na.
Marami na ding nadagdag sa ating batch. Nagkaroon ng mga bagong members....ang ating mga mahal sa buhay. Maraming nang nadagdag na mga KAPUSO at KAPAMILYA, pero tayo wala pa ring nabago. Tayo pa rin ang mga member ng Batch 84...masaya, punong puno ng buhay, halakhak at tawanan....at ang ating mga teachers, andito pa din at patuloy na iikot ang mundo sa maliit na lugar ito, para muling sumaksi sa marami pang pag ba “balik-BAYAN”.
Habang sinusulat ko ito ay aliw na aliw akong pag dugtong dugtungin ang memory ko at subukan kung kaya ko pang mag sulat gaya nung panahon ng “Ang DALOY”. Pwede nyong sabihin corny ako, pero kahit paano sigurado ako, pag nabasa o narinig nyo ang simpleng article na ito, may maaalaala kayo.
Kaya isang napakasayang pagkakataon na tayo ay nag karoon ng pag kakataong mag “balik- BAYAN” at alalahanin ang nakalipas. Pagkatapos nito, 25 years na naman ang ating hihintayin para maulit ito. Baka sa panahong yon, matatanda na tayo, din na kayang mag sing along, sumayaw, o mag enjoy kagaya ngayon. Baka ang iba sa atin KINUHA NA NI LORD sa mga panahong yun. Pero walang magbabago. Patuloy na iikot ang mundo sa Batch 84, ... At sabi nga sa kanta na sinulat ni Pareng Rey Valera at kinanta ni Mareng Sharon Cuneta,… PAGDATING NG ARAW SANA DI TAYO MAGBAGO, KAILANMAN, SAAN MAN…KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO…
...isang makahulugang pag ba “balik BAYAN” sa ating lahat!
|
|